Friday, March 27, 2015

State of the School Address 2015

Isang buong taong pampaaralan na naman ang mabilis na lumipas at narito ang inyong lingkod upang ipaalam sa inyo ang mga naging kaganapan sa paaralan ng Alauli Elementary School sa Taong Panuruan 2014-2015.

Ang ALAULI Elementary School ay may sumusunod na Performance Indicator tulad ng Teacher-Pupil Ratio na 1:35, ibig sabihin po lamang na maliit na ang pangangailan ng ating paaralan para sa mga karagdagang guro para sa elementarya, ngunit nagangailanagn pa rin tayo ng permanenteng guro para sa Kinder. And ating Dropout Rate ay 0% na lubhang kasiyasiya. Bukod dito and ating Graduation rate ay almost 100% din. Ang marka ng ating paaralan sa National Achievement test na 91% ay lubos na kasiyasiya.

Ang ating mahal na paaralan ay nagkamit din ng iba’t ibang karangalan sa ibat-ibang paligsahan sa larangan ng sports. Ang mga batang nagbigay karangalan sa ating paaralan sa larangan ng sports ay sina Daniel Chavian, Gairra Fria, Rennel Estrada, Marc Danielle, John Carlo Baino, Robie John Tabugan, Katrina Joyce Lulu, Ma. Patricia Ysabelle Paguio, Janaliza Gabrielle Tuazon, Alfredo Lopez, at Avva Christianna Valencia.

Sa nakaraang Division at District Press Conference ay hindi rin pahuhuli ang Alauli ES. Ang mga batang nagbigay karangalan sa ating paaralan ay sina Alfredo Lopez, Katrina Joyce Lulu, Rafael Flores, at Errine G. Alfaro.

Sa asignaturang Matematika naman nagbigay ng karangalan ang mga sumusunod na magaaral: Erinne Alfaro, Rhobie John Tabugan, Avva Christiana Valencia, Maui Mercado, Maridel Comia, John Michael Bunsoy, Kryzhna Khaleda Khan, Rafael Flores at Katrina Joyce Lulu.
Sa Science tayo ay pinahanga nina Kryzhna Khaleda Khan, Daniela Talampas, Prince Carino, Katrina Joyce Lulu, Joel Tabugan at Princess Leanne Lulu.

Sa asignaturang Filipino, ipanagmamali ng ating paaralan sina Rien  Lagrimas, Jannaliza Gabriele Tuazon, Maridel Comia, Caraine Gale Valencia, Charmaine Nicole Lulu, at Janaliza Gabrielle Tuazon.

Noong nakaraang taong 2014, ang ating paaralan ay mayroong Maintenance and Other Operating Expenses na nakalaan para sa pangangailangan ng paaralan tulad ng Unified Test ng ating mga magaaral, Seminars, ibang pangangailangan ng guro at opisina, janitorial at cleaning expenses, first aid kit and health supplies, sports equipment, internet subscriptions, electric bill, school utility at ilang pagawain sa paaralan tulad ng pagsasaayos ng Concrete Sink and Sitting Area at School Feeding Center, Repainting ng Outer wall ng 13 Classrooms, Office at Stage; Construction of 2 Kinder Bookshelves, at iba pa. 

Sa kabilang banda, malaki rin ang naitulong ng Samahan ng mga magulang at Guro ng ating paaralan na pinangungunahan ng ating presidente na si Madame JANE Suzeth Lulu. Ngayong taong ito, ang ating GPTA ay nakapagpaayos ng Drainage System, nagpapintura ng Gate at Fence, at ng Kindergarten Room at sila rin ang nagbabayad ng allowance sa ating traffic aid para ligtas na makapasok at makauwi ang ating mga magaaral.

Ayon sa tema: Saktong Buhay sa de-kalidad ng edukasyong pinanday. Kailan natin masasabi na sakto ang buhay? Para sa akin, ang saktong buhay ay binubuo ng 3 mahahalagang bagay: Kalusugan, Kaalaman at Kagandahang –asal.

Kapag malusog ang pangangatawan marami kang mahahalagang bagay na magagawa sa buhay. Kaalaman, ang nagsisilbing sandata upang makamit ang inyong mga pangarap. At kagandahang-asal upang maging kalugod-lugod ang isang tao sa Diyos at kapwa niya. Aanhin ang kaalaman kung hindi malusog ang katawan, gayundin aanhin mo ang katalinuhan kung sa kagandahang asal ay salat. Hindi magiging sakto ang buhay kung isa man sa mga ito ay wala. 

Sa mga mahal na magulang patuloy po natin silang gabayan upang matupad ang kanilang pangarap at makatapos ng pag-aaral. Ang mga guro at magulang ay laging magkatuwang sa paghubog sa bata hindi lang upang maging huwarang mag-aaral kundi maging isang mabuting mamamayan.

Nawa’y patuloy ang inyong pagtulong sa ating mahal na paaralang ALAULI Elementary School. Para sa mga magsisipagtapos ngayong Taong Pampaaralan 2014-2015 binbati ko kayong lahat.